Mga Kababayan. Maraming salamat sa pagbisita sa site na ito. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit Agham para sa mga Pilipino ang title ng page na ito. Halos lahat naman tayo ay nasubukan ng mag-search sa Google ng mga bagay-bagay sa agham at may pagkakataon na halos lahat ng mga ito ay nakasulat sa format ng English language at hindi lahat ng nakasulat doon ay lubos nating nauunawaan.
Oo, alam ko mahirap gamitin ang pure Filipino sa pagpapaliwanang ng mga concepts sa agham, kung kaya’t andito ang site na ito upang maging kaagapay mo sa pag-unawa sa agham. Gagamitin ko ang aking buong isipan at lakas upang magpaliwanag gamit ang English at Filipino languages.
In short, I will explain using informal format na mauunawaan ng mga kabataan o ng taong interasado lang o naghahanap ng mababasa (my target audience).
Kung nagtataka kayo kung sino ako, just call me Ginee. Science-lover at book-lover. Ako ay isang tao rin na katulad mo na marunong mag-isip. Madali lang ang mag-aral, ang mahirap ay ang humanap ng motivation para gawin ito. It’s not natural for humans to think hard all the time at yun ang dahilan kaya tayo tinatamad. Yan lang ang maibabahagi ko sa ngayon tungkol sa akin but I will let you know in the future kung sino nga ba talaga si Ginee.
Kung may mga konsepto ako na gusto nyong linawin o itama, feel free na i-comment ito. Open-minded naman ako. I’m always open for growth.
